Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan, Department of Agriculture Regional Field Office 1, at iba pang sangay ng pamahalaan.
Ang proyekto ay target na maging isang aquaculture innovation hub na inaasahang makatutulong sa humigit-kumulang 40,000 mangingisda mula sa mahigit 17 bayan sa lalawigan ng Pangasinan.
Batay sa perspective view ng proyekto, magkakaroon ito ng hatchery, broodstock tanks, pump house, intake pump, at iba pang pasilidad, na inaasahang magiging kauna-unahang bangus hatchery sa bansa na pagmamay-ari ng isang pamahalaang panlalawigan.
Inaasahang tutugunan ng proyekto ang kakulangan sa produksyon ng bangus fry, mapababa ang production costs ng mga operator, at higit pang mapaunlad ang sektor ng pangisdaan sa lalawigan.








