KONSTRUKSYON NG PARALLEL BRIDGE, MALAKING TULONG SA BAYAN NG NAGUILIAN

CAUAYAN CITY – Patuloy ang ginagawang konstruksyon ng Parallel Bridge sa Barangay Palattao, Naguilian, Isabela.

Nagkakahalaga sa P965.37 million ang tulay na pinondohan sa ilalaim ng Multi-Year Contracting Authority (MYCA).

Ang naturang tulay ay magsisilbing counterpart ng Naguilian Bridge upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa bayan at mapadali ang transportasyon ng mga pangunahing kalakal at serbisyo.


Maliban dito ay magsisisilbing daan ito upang mapaunlad ang ugnayan sa bayan ng Naguilian at Reina Mercedes.

Facebook Comments