Konstruksyon ng Piggatan Detour Bridge, higit 30% nang nagagawa sa loob ng 10 araw —DPWH

Iniulat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na umabot na sa 34% ang progreso ng konstruksiyon ng Piggatan Detour Bridge sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Ito’y sa ika-10 araw ng simulan ang trabaho kung saan ang emergency construction ng detour bridge ay bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nabatid na ipinag-utos ng Pangulo ang agarang pagpapatayo ng alternatibong ruta para sa kaginhawaan ng publiko, lalo na sa mga lugar na apektado ng pagkasira ng orihinal na Piggatan Bridge.

Nauna nang sinabi ni Secretary Dizon na target nilang matapos ang tulay sa loob lamang ng 60 araw, upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa buong lalawigan.

Kabilang sa mga aktibidad na ginagawa ay ang pagbaon ng bakal, pag-welding, at paglalagay ng mga materyales na malapit sa tulay bilang bahagi ng mga pangunahing gawain.

Inaasahang mas mapapabilis pa ang konstruksyon sa mga susunod na araw habang patuloy na binabantayan at tinututukan ni Secretary Dizon ang regular na progreso ng proyekto.

Facebook Comments