Puspusan na ang konstruksyon ng Clark Phases 1 at 2 ng Philippine National Railways (PNR).
Ang PNR Clark Phase 1 ay 38-kilometer railway mula Tutuban, Maynila patungong Malolos, Bulacan – ang unang segment ng North-South Commuter Railway Project.
Ang overall progress ng proyekto ay nasa 43-percent, habang nasa 11.78% ang construction phase rate nito.
Inaasahang magiging 35 minuto lamang biyahe mula Tutuban at Malolos mula sa dating isa’t kalahating oras.
Aabot sa 330,000 na pasahero ang inaasahang maseserbisyuhan nito.
Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, ang partial operability nito ay sa fourth quarter ng 2021 at ang full operations ay sa second quarter ng 2024.
Bukod dito, ang 53-kilometer PNR Clark Phase 2 mula Malolos patungong Clark, Pampanga ay mayroong overall progress rate na nas 27.29%.
Kapag natapos ang biyahe mula Bulacan hanggang Pampanga ay magiging 35 minuto na lamang mula sa kasalukuyang isa’t kalahating oras.
Ang partial operability nito ay sa second quarter ng 2023, habang ang full operation ay sa third quarter ng 2024.
Ang huling North-South Commuter Railway (NSCR) segment ay ang PNR Calamba, 56-kilometer railway line mula Solis, Manila patungong Calamba, Laguna.