Konstruksyon ng PNR Clark Phase 2 o Malolos-Clark project tuloy-tuloy na, ayon sa DOTr

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy-tuloy na ang konstruksyon ng PNR Clark Phase 2 o Malolos-Clark project.

Ayon kay DOTr Secretary Art Tugade, sa ngayon nasa 32.58% overall completion na ang nasabing proyekto.

Pagnatapos ito, sinabi ni Tugadi mapapabilis ang biyahe sa 30-35 minutes mula sa 1 hour and 30 minutes na orihinal na travel time mula Bulacan at Pampanga.


Ang PNR Clark 2 forms aniya ay bahagi ng malawak na 147-km North-South Commuter Railway (NSCR) line, kung saan meron itong 35 stations, 464 train cars na meron 58 8-car train sets configuration o bagon.

Facebook Comments