KONSTRUKSYON NG SCHOOL BLDG AT IBA PANG IMPRASTRAKTURA SA PANTAL, DAGUPAN CITY, TINUTUTUKAN

Tinututukan ang sektor ng edukasyon sa Dagupan City matapos ang pag-apruba sa inilaang pondo at paghahain pa ng resolusyon para sa karagdagang imprastraktura.

 

Isa sa sa mga kasalukuyang isinasagawa ay ang ipinapatayong tatlong palapag na School Building at Site Development sa Pantal Elementary School.

 

Sa inihayag ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa kaniyang facebook live, isinaad nito na bukod sa gusali kabilang din ang paglalagay ng drainage system at pagsesemento sa daanan.

 

Hiling din ng barangay ang konstruksyon ng isa pang tatlong palapag na gusali sa paaralan maging ang rehabilitasyon ng covered court.

 

Nagbigay katiyakan naman ang Sangguniang Panlungsod na patukoy ang kanilang suporta sa paghahain ng kaukulang resolusyon upang mas maiangat ang sektor ng edukasyon sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments