
Ininspeksiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Shaw Boulevard Station ng Metro Manila Subway Project sa Pasig City.
Sa kasalukuyan, nasa 22.865% ang progreso ng istasyon batay sa pinakahuling datos nitong Enero 2026.
Bahagi ito ng Contract Package 104 na sumasaklaw sa dalawang underground stations at mga tunnel sa kahabaan ng Ortigas Avenue at Shaw Boulevard.
Nagpapatuloy rin ang excavation works kabilang ang paghuhukay para sa ikalawang basement level at launching shaft na magdudugtong sa Kalayaan Avenue at Ortigas Avenue stations.
Ang naturang package ay may habang 3.97 kilometro at target makumpleto sa ikaapat na quarter ng 2031.
Ang Shaw Boulevard Station ay isa sa mahahalagang bahagi ng 33.1 kilometro at 17 istasyong Metro Manila Subway na magdurugtong mula Valenzuela hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.










