Nagsimula na ang konstruksyon ng South Luzon Expressway (SLEX) Toll Road 4.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, mula sa tatlong oras, may haba ang extension road na 66.74 kilometers mula Sto. Tomas, Batangas hanggang Lucena City, Quezon.
Aniya, mula sa tatlong oras, inaasahang bababa na sa isang oras ang biyahe mula Maynila patungong Batangas, Quezon at Bicol.
Sabi pa ni Villar, malaking tulong ang bagong kalsada sa mga bumibiyahe papunta at paluwas ng southern provinces lalo na tuwing summer at holiday season.
Aabot aniya ng P13.1 billion ang halaga ng nasabing proyekto na inaasahang 17,000 sasakyan ang makikinabang kada araw.
Facebook Comments