CAUAYAN CITY- Sa kabila ng nararanasang mga pag-ulan ay patuloy pa rin ang isinasagawang konstruksyon sa mga solar pump irrigation projects sa Lungsod ng Cauayan.
Ang naturang proyekto ay pinangunahan ng Fedstar Builders Corporation kung saan layunin nitong mapabuti ang mga imprastraktura sa agrikultura.
Kabilang sa mga lugar na kasalukuyan ang konstruksyon ay sa Brgy. Villa Luna kung saan puspusan ang drilling at paglalagay ng mga concrete hollow block habang sa Tanap region naman ay puspusan ang pagpapatayo ng stilling pool para sa solar mounting structures at sa East Tabacal naman ay kasalukuyan ang paghuhukay para sa perimeter fence footing.
Facebook Comments