KONSTRUKSYON NG SUPER HEALTH CENTER SA BAYAN NG JONES, SINIMULAN NA

Cauayan City – Sinimulan na ang konstruksyon ng karagdagang Super Health Center sa lalawigan ng Isabela na itatayo sa bayan ng Jones.

Sa pangunguna ni DOH Cagayan Valley Center For Health Development Regional Director Dr. Razel Nikka Hao ay isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng naturang proyekto.

Tinatayang aabot sa dalawang milyong piso ang halaga na inilaan ng DOH para sa advanced medical equipments ng facility, habang anim na milyong piso naman ang manggagaling sa Health Facilities Enhancement Program 2024 Fund para naman sa pagtapos sa pasilidad.


Bukod pa rito, may karagdagang pondo pa para sa medical equipments kabilang na ang Type 1 ambulance na tinatayang nasa tatlong milyong piso.

Labis namang nagpasalamat si Mayor Nhel Montano sa kagawaran ng kalusugan dahil sa kanilang inisyatibo na magtayo ng imprastraktura para sa kalusugan sa kanilang bayan.

Facebook Comments