KONSTRUKSYON NG SUPER HEALTH CENTER SA SAN QUINTIN, MULING SINURI

Muling nagsagawa ng inspeksyon ang Lokal na Pamahalaan ng San Quintin sa konstruksyon ng Super Health Center sa Barangay Ungib, bilang bahagi ng regular na pagtutok sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa ulat, kasalukuyan nang itinatayo ang pundasyon ng pasilidad.

Tiniyak ng mga awtoridad na maayos at naaayon sa pamantayan ang pagpapatupad ng proyekto.

Kasama rin sa site visit ang pagsusuri sa Potable Water System sa parehong barangay at sa Barangay Baligayan.

Kaugnay nito, noong nakaraang taon, nagsagawa rin ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan matapos mabili ang lote para sa Super Health Center na nagkakahalaga ng ₱2.25 milyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments