KONSTRUKSYON NG TULAY NA MAG-UUGNAY SA BRGY. ANOLID SA MANGALDAN AT SALISAY SA DAGUPAN CITY, MALAPIT NANG MATAPOS

Malapit nang matapos ang konstruksyon ng concrete bridge na mag-uugnay sa Barangay Anolid sa Mangaldan at Barangay Salisay sa Dagupan City, na inaasahang magpapabilis ng daloy ng transportasyon sa dalawang lugar.

Sinimulan ang unang yugto ng proyekto noong Agosto 2025 at nitong Pebrero ay nagsagawa na ng inspeksyon ang mga opisyal ng Barangay Anolid at kinumpirmang nasa clearing stage na ang proyekto, hudyat na papalapit na ito sa ganap na pagtatapos.

Kasabay ng pag-usad ng konstruksyon, tinalakay rin ang posibleng epekto ng tulay sa daloy ng tubig, partikular ang panganib ng pagbaha sa isang kalapit na subdivision.
Kaugnay nito, nagmungkahi ang mga opisyal ng pagpapalapad ng daluyan ng tubig sa ilalim ng tulay at pagpapalakas ng water breaker upang maiwasan ang pagtaas ng tubig at matiyak ang kaligtasan ng mga residente kapag tuluyan na itong magamit.

Facebook Comments