CAUAYAN CITY- Nakumpleto na ang konstruksyon ng Upper Villahermosa Communal Irrigation System (CIS) sa Maddela, Quirino.
Ang proyekto ay maagang natapos kung saan isang daan at walompung araw ang naitalagang panahon upang tapusin ito ngunit nakumpleto lamang ito sa loob ng limampu’t siyam na araw.
Ayon sa NIA, dalawampu’t limang magsasasaka ang mabebenepisyuhan ng karagdagang irrigation services.
Samantala ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng Php1,854,797 at nagsimula ang konstruksyon nito noong ika-18 ng Abril taong kasalukuyan.
Facebook Comments