Magsisimula na ngayong taon ang konstruksyon ng Carlos P. Romulo Bridge o Wawa Bridge sa bayan ng Bayambang matapos ang pagguho ng bahagi ng tulay noong 2022.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, nakatakdang isagawa ang groundbreaking ng tulay upang masimulan ang konstruksyon sa Marso matapos ma-ipatayo ang temporary two-way bridge upang hindi magdulot ng aberya sa mga motorista.
Matatandaan na gumuho ang bahagi ng tulay noong October 2022 dahil sa pagdaan ng dalawang truck na lagpas sa maximum load capacity ng tulay ngunit agad ding binuksan matapos ang temporary bailey bridge na inilagak ng DPWH.
Ikinatuwa naman ng mga residente at motorista ang nalalapit na konstruksyon ngunit hiling ng ilan sa mga ito na isaayos ang buong tulay at huwag lamang umano sa gumuhong bahagi.
Nakatakdang magsagawa ng public consultation ang tanggapan ngayong Enero bago simulan ang pagpapatayo ng temporary two-way bridge sa nasabing lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨