Cauayan City, Isabela- Natapos ng gawin ng Department of Public Works and Highways – Quirino District Engineering Office (DPWH-QDEO) ang 1.389 kilometers tourism road sa bahagi ng kilalang pasyalan na Governor’s Rapid sa Maddela, Quirino.
Ayon kay District Engineer Lorna Asuten, ang 400-meter section ng 1.389 kilometers road na may pondong P10-million ay mula sa General Appropriations Act of 2021 na nakahanay sa Multi-Year Tourism Road Infrastructure Project (TRIP) sa ilalim ng DPWH-DOT Convergence Program kung saan nasa fourth-year implementation phase na ito.
Ang second section, 989-meter long ay pinondohan naman sa ilalim ng special allocation mula sa pagpapatibay ng Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan II kasama sa P46.667-million fund.
Inihayag rin ni Asuten na ang concrete paving ng dalawang tourism road sections ay nakapanghihikayat ng mga turista na pasyalan ang pitong (7) rapids sa pamamagitan ng water tubing and boating activities habang tinatanaw ang magandang paligid ng kilalang pasyalan.
Kasama rin dito ang pagtatayo ng isang alternatibong ruta upang mabawasan ang trapiko at maipagmalaki ang kaligtasan sa mga manlalakbay.