KONSTRUKSYON SA BAGONG TULAY NA IPAPALIT SA ALICAOCAO, SINIMULAN NA

Kasalukuyan na ang konstruksyon ng bagong tulay na magiging kapalit umano ng Alicaocao Over-flow Bridge.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ni Mayor Jaycee Dy, ang bagong tulay ay kokonekta sa Santa Luciana at San Pablo.

Magiging malaking tulong umano ang ginagawang tulay para sa mga komyuters lalo na sa panahon ng tag-ulan dahil hindi na umano kakailanganin pang umikot ang mga motorista upang maghanap ng ibang ruta papunta sa kanilang destinasyon tuwing malulubog sa tubig ang Alicaocao bridge.

Samantala, Ibinahagi rin ni Mayor Dy na magtutuloy-tuloy na ang nasabing konstruksyon dahil napondohan na umano ang nasabing proyekto sa tulong ni Congressman Faustino “Inno” Dy.

Inaasahan ni Mayor Dy na kapag natapos na ang naturang ginagawang ay magiging daan ito upang mas mapagaan umano ang pasanin ng mga motoristang bumibiyahe lalo na ang mga manggagaling sa forest region.

Facebook Comments