Ininspeksyon ng Provincial Environment and Natural Resources Office ang idinulog na konstruksyon sa bahagi ng baybayin sa Brgy.Nibaliw, San Fabian matapos ang pagkabahala ng ilang residente dito.
Pangamba ng ilang residente na maapektuhan ang kalikasan sa naturang konstruksyon sa bisinidad ng isang beach resort at nais malinawan kung may kaukulang environmental permit at clearance.
Sa isinagawang ocular inspection, inirekomendang magsagawa pa ng technical inspection ang Environmental Management Bureau of Region I at Community Environment and Natural Resources Office sa Central Pangasinan upang matiyak ang pagtalima ng establisyimento sa mga regulasyon.
Layunin ng inspeksyon na matugunan ang pangangailangan ng publiko at igiit ang kahalagahan ng environmental compliance upang mapangalagaan ang likas na yaman sa mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









