KONSTRUKSYON SA P14-BILYON DAM SA TUMAUINI, PINABIBILIS NI PBBM

CAUAYAN CITY – Puspusan ngayon ang ginagawang konstruksyon ng National Irrigation Authority (NIA) upang magamit na sa lalong madaling panahon ang P14-bilyon Dam Project sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na ipinag-utos mismo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na bilisan ang konstruksyon sa naturang dam.

Aniya, ang proyektong ito ay bahagi ng kanilang hakbang at ni Pangulong Marcos upang palakasin ang sistema ng agrikultura at matiyak ang food security ng bansa.


Kabilang naman sa masasakop upang masuplayan ng dam ay ang mga bayan ng Tumauini, Cabagan, at Sta. Maria.

Samantala, inihayag din ni Guillen na marami na sa kanilang sub projects ang natapos na kabilang ang irrigation restoration projects, solar-powered irrigation systems, at pagtatayo ng mga small river impounding projects.

Facebook Comments