𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗨𝗟𝗢𝗖 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗙𝗜𝗟𝗟 𝗗𝗔𝗠, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬; 𝟯𝟴% 𝗣𝗛𝗬𝗦𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗜𝗦𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗛𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔

Nagpapatuloy sa ngayon ang konstruksyon sa pinakamalaking proyekto ng National Irrigation Administration Pangasinan na 40-metrong Dumuloc Earthfill Dam na nagkakahalaga ng kabuuang P1.3-billion na matatagpuan sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay NIA-PIMO Division Manager Engr. John Molano na as of October 30, 2023 nasa 38% accomplishment na ang natatapos sa proyekto.
Layunin ng proyektong ito ay upang makapagbigay ng kalidad na irrigation system sa mga magsasaka ng Bugallon upang mapataas ang kanilang produksyon ng kanilang mga pananim.

Kung saan sa datos tinatayang nasa 1, 484 na magsasaka at kani-kanilang pamilya ang makikinabang sa proyekto na mula sa labing isang (11) barangay ng Bugallon, partikular na sa Brgy. Umanday, Brgy. Laguit Centro, Brgy. Poblacion, Brgy.San Francisco, Brgy.Hacienda, Brgy.Cayanga, Brgy.Portic, Brgy. Salomague Sur, Brgy. Salomague Norte, Brgy. Bacbac at Brgy. Bolaoen.
Aniya pa, sakaling matapos na ang proyekto, maaaring makapag-ipon ng tubig ang naturang dam ng aabot sa 8.19 Million Cubic meters na tubig.
Dito maaaring masuplayan ng tubig humigit-kumulang na 1,632 ektaryang lupain pang-agrikultura sa segundo distrito.
Samantala, inaasahan na matatapos ang proyekto taong 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments