Konstruksyon sa tinaguriang ‘Pambansang Photo Bomber’ na Torre De Manila, tuloy na

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Korte Suprema ang pagpapatuloy ng binansagang ‘Pambansang Photo Bomber’ na Torre De Manila.

Ayon kay SC Spokesperson, Atty. Theodore Te – sa botong 9-6, pinababasura nito ang petisyon ng Knights of Rizal na gibain ang 49 na palapag na gusali.

Dahil dito, binawi na rin ng korte ang Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas nito noong taong 2015.


Batay sa petisyon ng Knights of Rizal, sinisira ng gusali ang tanawin o sightline ng Rizal monument sa Luneta Park na itinuturing na mahalagang landmark o istruktura sa bansa.

Dahil sa sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, wala nang hadlang para sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng Torre De Manila.
DZXL558

Facebook Comments