Nasa 80% na ang isinasagawang konstruksyon sa dalawang daan na naglalayong mapag-ugnay sa Zambales at Pangasinan ito ay ang 24.22-kilometer na daang katutubo sa bayan ng Aguilar, at ang 14.6-kilometer ng Daang Kalikasan na matatagpuan naman sa bayan ng Mangatarem.
Ayon kay DPWH-1 Project Engineer Willer Bince noong huling taon umabot sa 30 milyon pesos ang inilaang pondo ng ahensya at Department of Tourism habang ngayong taon naman ay nasa P70-milyon ang pondong inilaan para sa tatlong kilometrong kukumpelto sa dalawang daanan.
Ang nasabing dalawang daanan ay parehong mabebenipisyuhan ang probinsya ng Pangasinan maging ang dalawang bayan lalo na ang mga residenteng mga katutubo sa bayan.
Samantala, nanatiling sarado ang dalawang daanan sa publiko. | ifmnews
Facebook Comments