Kinumpirma ni Philippine Consulate General in Dubai Paul Raymund Cortes na maraming mga Pilipino sa Dubai ang tumatawag sa kanila para ipaalam na positibo sila sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Cortez na sa ganitong sitwasyon, agad silang nakikipag-koordinasyon sa Dubai Police at iba pang kinauukulan doon para sunduin ang mga pasyente at madala agad sa ospital.COVID
Sa ganitong paraan aniya ay mabilis ding maisasagawa ng mga kinauukulan ang contact tracing para agad silang ma-isolate.
Base sa ipinatutupad na protocol sa Dubai, sinabi ni Cortez na kapag positibo at symptomatic, dadalhin ito sa ospital at libre ang gamutan, pero kapag asymptomatic, ay mayroon itong bayad.
Palagian aniya nilang mino-monitor ang kalagayan ng mga Pilipinong pasyente at sa ngayon ay marami naman sa mga ito ang gumagaling.
Sa pinakahuling datos, 23 mga Pilipino ang nasawi sa Dubai dahil sa COVID-19.
Sa pangkabuuang record ay umakyat na sa 16,000 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Dubai.