Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong, mananatiling bukas sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong na mananatiling normal ang kanilang operasyon sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Gayunman, umapela ang Konsulada ng Pilipinas sa Filipino community sa Hong Kong na hangga’t maaari ay ipagpaliban muna ang kanilang transaksyon

Pinayuhan din ng Philippine Consulate ang mga Pinoy doon na iwasan muna ang lumabas kung walang mahalagang lakad.


Inaasahan kasing tataas pa ang kaso ng infection sa mga susunod na araw matapos ang mga pagtitipon noong Chinese New Year.

Sa ngayon, namamahagi na ng libreng antigen test kits ang Hong Kong government sa sinuman na nais mag-avail nito.

Facebook Comments