Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong, nagbukas ng hotline sa harap ng sunud-sunod na pinaniniwalaang pagpapatiwakal ng OFWs

Nagbukas ng linya ang Philippine Consulate General sa Hong Kong para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na may mga suliranin.

Sa harap ito ng dalawang insidente ng pinaniniwalaang insidente ng suicide ng dalawang OFWs doon.

Partikular ang dalawang Pinay na sunod na natagpuang nakalutang at wala nang buhay sa pier sa Hong Kong.


Sinasabing kapwa may problemang pinansyal ang dalawang Pinay workers.

Ayon sa Philippine Consulate, bukod sa kanila ay may ilang mga organisasyon din sa Hong Kong na handang magbigay payo at tumulong upang malampasan ang mga kinakaharap na problema.

Maaari din silang tumawag sa Migrant Workers Office ng Overseas Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Hong Kong.

Facebook Comments