KONSULTA CARAVAN, GINANAP SA TUMAUINI

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng Konsultasyong Sulit at Tama (KonSulTa) Caravan ang Philippine Health Insurance Corporation Inc. sa bayan ng Tumauini.

Katuwang ng PhilHealth ang Lokal na Pamahalaan ng nasabing bayan na pinangunahan ni Mayor Venus Bautista kasama ang iba pang kawani ng gobyerno.

Layunin ng naturang Caravan na bigyang kaalaman ang mga mamamayan ng Tumauini na ang Rural Health ng Tumauini at PhilHealth ay handang magbigay ng serbisyo na nakapaloob sa KonSulTa package.


Facebook Comments