Konsulta package para sa preventive oral health services, inaprubahan na rin ng PhilHealth Board

Inaprubahan na rin ng PhilHealth Board ang package para sa preventive oral health services sa ilalim ng Konsulta package.

Ayon kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma, Jr., sakop nito ang mouth examination/oral screening, dental prophylaxis o cleaning, gayundin ang fluoride varnish application, fissure sealants, Class V procedures, emergency tooth extractions, at dental consultations.


Kinumpirma rin ni Ledesma ang pagpapalawak sa Z Benefit Package para sa Peritoneal Dialysis sa adult at pediatric patients.

Sakop aniya nito ang catheter insertion, Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis (CAPD), at PD-related infection management.

Para sa adults, ang packages aniya ay pumapalo mula ₱29,200 hanggang 585,500, habang ang packages para sa pediatric ay mula ₱16,800 hanggang ₱1,522.

Kabilang sa mga serbisyong nakapaloob sa package ang percutaneous coronary intervention mula sa dating ₱30,300 hanggang ₱524,000 o 1,629% increase.

Ang fibrinolysis naman ay mula ₱30,290 hanggang ₱133,500 o 909% increase at ang emergency medical services na may interfacility transfer ay mula ₱21,900 hanggang ₱5,200 o 321% increase, habang ang cardiac rehabilitation ay ₱66,140.

Facebook Comments