Pagkatapos marating ng Konsulta Plus Program ang munisipalidad ng Dasol ay umarangkada rin ang nasabing programa sa mga residente sa bayan ng Mabini upang maka-avail din ng iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan.
Katuwang ng Provincial Hospital Management Office ang ilan pang mga ahensya sa pagsasagawa ng ilan pang proyekto tulad ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa kanilang Feeding Program, PESO Job Fair, Red Cross Blood Donation Program, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine Identification System (PhilSys).
Nilahukan naman ito ng mga residente ng Mabini na nais mapagkalooban ng medical attention o kung anumang kinakailangang medical response na naaayon sa kondisyon ng mga ito. Kabilang ng mga libreng serbisyong medikal ay ang medical at dental mission, free laboratories tulad ng CBC, Urinalysis at iba pa, blood letting activities, mayroon din libreng gupit, at free legal consultation.
Samantala, ang programang Konsulta Plus Programa ay ihahatid sa mga Pangasinense dala ang ang iba’t-ibang serbisyo medikal at ilan pang proyekto sa pagkamit ng kapakanang pankalusugan para sa nasasakupan ng lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments