Manila, Philippines – Magbubukas ng mga one-stop shop para sa mga pampublikong sasakyan ang Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo.
Ito ay para tugunan ang mga pangangailangan ng mga operator at driver.
Ayon kay Aileen Lizada, tagapagsalita ng LTFRB, maaaring kumunsulta dito hinggil sa pag-upgrade ng pampasada, permit, at iba pang kailangan ng mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan.
Ang mga one-stop shop sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay magbubukas sa mga sumusunod na araw para sa mga sumusunod na sasakyan:
Enero 15-19 – Public Utility Bus
Enero 22-26 – taxi
Enero 29-Pebrero 2 – jeep
Pebrero 5-9 – UV express at mga truck for hire
Pebrero 12-16 – school bus at mga tourist transport services
Pebrero 19-Marso 2 – ride-hailing services
Paalala ni Lizada sa mga nais magtungo sa mga one-stop shop, dalhin ang mga case folders, ihanda ang mga dokumento ng sasakyan at concerns at case numbers.