Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa ang konsultasyon sa pagitan nito at ang apektado at magiging apektadong mga business establishments kaugnay sa naganap na pagpapataas ng kalsadahan sa lungsod.
Ani ni Mayor Fernandez na mayroon na umanong listahan ng mga naapektuhang establisyimento na kabilang sa matutulungan ng implementing agency ng DPWH na mapataas din umano ang kinatatayuan ng kanilang mga negosyo.
Tututukan din ang iba pang mga flood mitigation projects na kasalukuyang tinatalakay at inihahanda na ngayon upang maibsan na ang pagbaha sa Dagupan City at isa rin sa pinakaproblema ng mga Dagupeño lalo na sa mga panahon ng tag-ulan at bagyo at high tide season.
Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ng kanyang tanggapan ng DPWH para sa iba pang proyekto tulad ng malawakang dredging operations, rehabilitasyon ng mga dike, pagsasaayos at pagkakaroon ng floodgates at iba pa.
Samantala, kaugnay dito ay hati pa rin ang opinyon ng mga Dagupeño sa kasalukuyang konstruksyon ng Road Elevation at Drainage Upgrade at nagpapahayag ng kanilang pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa kabilang banda. |ifmnews
Facebook Comments