Patuloy ang pag-iikot ng mga tauhan ng Health Emergency Response Team ng Department of Health (DOH) sa iba’t ibang bahagi ng bansa na apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ayon sa DOH, layon nitong magbigay ng tulong medikal sa mga nangangailangan kung saan namahagi rin sila ng hygiene kits, iba’t ibang klase ng mga gamot at nagsagawa ng konsultasyon sa ibang evacuees.
Nagbigay rin ng disinfectants, chlorine granules, at aquatabs ang kagawaran para mapanatili ang personal hygiene at access ng mga evacuee sa malinis na tubig, at sanitation.
Sa ngayon, ilang local emergency operations center at patient navigation referral units ang bukas 24/7 para i-monitor ang mga lugar na nangangailangan ng agarang tulong.
Facebook Comments