Nagsimula nang mag-ikot ang pamahalaan para magsagawa ng konsultasyon sa bawat sektor para sa Trabaho sa Bayan Plan.
Ang Trabaho sa Bayan Plan ay isang sampung taong plano para mabigyang buhay ang labor market sa bansa.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Usec. Rosemarie Edillon, ginagawa nila ito dahil napansin ng pamahalaan na kahit bumababa ang unemployment rate sa bansa ay mataas pa rin pa rin ang under employment.
Mahalaga aniyang maayos ito para gawing de kalidad ang mga trabaho at matugunan ang madalas na reklamo ng employers na job mismatch.
Layunin din nitong makahanap ng employment opportunities sa mga bagong graduate dahil sa problemang mahirap silang makakuha ng trabaho dahil wala pang sapat na karanasan.
Dagdag pa ni Edillion, kailangang patatagin ang mekanismo sa labor market para maayos na maihanda ang mga manggagawa sa hinaharap.
Nais din nilang matukoy kung anong sektor ang dapat na isa prayoridad gayundin para malaman kung papano magiging mas inclusive ang mga babae sa labor force.