Uumpisahan na sa susunod na linggo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) ang konsultasyon ng online discount para sa mga senior citizen at Persons With Disability (PWD).
Ayon sa DSWD at DTI, maglulunsad sila ng tatlong araw na public consultation upang masigurado ang proseso ng online discounts policy para sa mga senior citizen at PWDs.
Mag-uumpisa ang tatlong batch ng consultation simula July 5 para sa cluster ng Luzon, July 7 para sa Visayas at Mindanao habang July 9 para sa national groups.
Dadaluhan ito ng mga representative at head ng consumer protection groups, delivery application service networks, senior citizen orgnizations at PWDs organizations kasama na rin ang mga sektor ng business groups.
Kabilang sa mga tatalakayin ang Joint Administrative Order (JAO) na “Guidelines on the Provision of the Statutory Benefits and Privileges of the Senior Citizens and Persons With Disabilities on their Purchases through Online (e-Commerce) and Phone Call/SMS.”