KONSULTASYON SA PUBLIKO PARA SA IPAPATAYONG WIND PROJECT SA SUAL AT LABRADOR, ISASAGAWA

Isasagawa ng Environment Management Bureau (EMB) Region 1 ang public scoping o konsultasyon sa publiko ukol sa pagpapatayo ng Wind Power Project sa mga bayan ng Labrador at Sual.

Tatalakayin sa pagtitipon ang kabuuang nilalaman ng proyekto at layuning marinig ang mga opinyon ng publiko partikular ng mga residente Ng Brgy. Paitan West sa Sual at Brgy. Poblacion sa Labrador.

Matutukoy sa public scoping ang saklaw ng magiging proyekto upang maihanda ng tanggapan ang Environment Impact Statement.

Gaganapin ito sa darating na April 15 sa natukoy na bayan sa magkaibang oras. Inaasahan ng tanggapan ang pagdalo ng publiko upang malinawan sa itatayong proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments