Konsumo ng mga imported na karneng baboy sa Pilipinas, tumaas

Patuloy ang pagtaas ng mga imported na karneng baboy sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), sumampa ng 7% o katumbas ng 851.84 million kilos ang imported meat products sa bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Kumpara sa 795.59 million kilos na inimport sa kaparehong panahon noong isang taon.


Sa naturang bilang, 54% o 464.84 million kilos ay pawang pork import at pangunahing galing ang karne sa Spain, Canada at Brazil.

Sumunod ang meat import na may 23.73% o katumbas ng 244.8 million kilos, kung saan bumaba ito ng 5% kumpara sa 260.31 million kilos sa kaparehong panahon noong 2021.

Pangunahing pinagkukunan nito ay sa Brazil, US at Canada.

Facebook Comments