Ayon kay Acting Socio Economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, kahit nagsara na ang mga hotel at restaurant dahil sa pandemya ay hindi nabawasan ang konsumo ng mga Pilipino sa karne ng baboy.
Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole na pinamunuan ni Senate President Tito Sotto III ay sinabi ni Chua na average pa rin ng 15 kilo ng pork ang kinakain ng 95 milyong mga Pilipino bawat taon.
Paliwanag ni Chua, dahil sarado ang restaurants ay nalipat lang sa bahay ang pagkonsumo ng mga tao ng karne at patunay nito ang nanatiling mataas na demand sa mga palengke kaya nagkukulang ang suplay.
Komento naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, salungat ito sa lohika dahil natural na dapat mababawasan ang demand sa pork dahil sarado ang mga kainan kaya hindi na kailangang dagdagan pa ang volume ng aangkating pork.