Muling hinikayat ng Meralco ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, nananatiling mataas ang demend sa kuryente dahil panahon pa rin ng tag-init.
Aniya, mayroon pa ring serye ng red at yellow alert sa Luzon grid na nangangahulugan ng manipis na reserba ng kuryente.
Pero kahapon, nasa white alert lang ang Luzon grid kung saan ibig sabihin ay sapat ang supply ng kuryente at walang inaasahang brownout na dulot ng makulimlim na panahon at paminsan-minsan na pag-ulan.
Facebook Comments