Aarangkada na bukas, April 22 ang kauna-unahang “Konsyerto sa Palasyo,” isang concert series na inisyatibo ng Office of the President.
Ayon kay Cris Villonco, Creative Consultant for Konsyerto sa Palasyo, layon nito na magtanghal ng mga bagong mukha ng performing artist mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Paraan din aniya ito ni Pangulong Bongbong Marcos para tulungan ang entertainment industry na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Samantala, alas-6:30 ng gabi bukas ang unang serye nito na pinamagatang “Konsyerto ng Palasyo: Awit ng Magiting” na tribute show sa Armed Forces of the Philippines.
Magsisilbing VIP guest bukas ang nasa 400 sundalo.
Nilinaw naman ni Villonco na hindi bongga gaya ng mga teatro ang gagawing concert dahil ipapakita rin dito ang natural beauty ng Malacañang.