Lumawak pa ang kontaminasyon ng red tide toxin sa iba pang coastal waters sa bansa.
Base sa monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), apektado na rin ng red tide ang coastal waters ng Pampanga at Sual sa Pangasinan.
Nanatili pa ring positibo sa red tide toxin ang mga shellfish at iba pang lamang dagat ang coastal waters ng mariveles, limay, orion, pilar, balanga, hermosa, orani, abucay at samal sa lalawigan bataan na unang inanunsyo ng BFAR.
Ideneklara namang cleared na sa lason ang Cancabato bay sa Tacoloban City sa Leyte.
Ayon sa BFAR, ligtas nang hanguin, ibenta at kainin ang mga shellfish na nakukuha dito.
Ang iba pang coastal waters na may mataas pang antas ng red tide toxin ay ang Puerto Princesa bay sa Puerto Princesa City sa Palawan, Dauis at Tabilaran City sa Bohol, Irong -Irong bay, San Pedro at Silanga bays sa Western Samar.