KONTENTO | Mga empleyado ng gobyerno, masaya sa kanilang trabaho ayon sa pag-aaral ng Jobstreet Philippines

Manila, Philippines – Masaya ang karamihan ng mga empleyado ng gobyerno sa kanilang trabaho.

Base sa bagong pag-aaral ng Jobstreet Philippines na isinagawa sa 1,008 government employees, tinanong ang iba’t-ibang criteria na may kaugnayan sa work environment tulad ng management o leadership team, job security, at work-life balance.

Sa scale na 1-7 kung saan ang 7 ang pinakamataas, naitala sa government employees ang 4.85 points.


Kabilang sa mga dahilan kung bakit masaya sa trabaho ang mga empleyado ng gobyerno ay ang reputasyon ng government agency, maayos na relasyon sa immediate boss, at ang mission, vision at values ng kumpanya.

Inirereklamo naman ng ilang kawani ang kawalan ng travel opportunities, kawalan ng performance bonuses, at mababang sahod.

Facebook Comments