Manila, Philippines – Halos mangilan ngilan na lamang ang mga pumapasok para dumalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nakalibing dito sa Manila South Cemetery.
As of 2pm, 5, 298 na lamang ang crowd estimate batay sa monitoring ng Task Unit Manila South Cemetery.
Naging malaki ang pagbaba ng mga tumutungo sa Manila south cemetery sa pagitan ng alas-12 hanggang ala-1:00 ng tanghali kanina.
Kung saan mula sa mahigit 22,232 na crowd estimate kaninang alas-11:00 ng umaga bumaba na lamang ito ng 5,298 crowd estimate ng alas-2:00 ng hapon.
Sa kabila naman ng pagbaba ng bilang mga tumutungo dito sa manila south cemetery ay nanatiling nakaalerto ang mga Pulis na nakatalaga dito.
Sa katunayan aniya mananatili pa ang mga pulis hanggang bukas.
Facebook Comments