Konting delay sa accomplishments ng Build Build Build projects, asahan na ayon sa DPWH

Sa pagtaya ni Department of Public Works & Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, delayed na ng 1 at kalahating buwan ang mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build program ng Duterte Admin.

Sa laging handa public press briefing sinabi ni Villar na sa kabila ng pagka antala sa pagtatapos ng flagship projects ng Build Build Build ay kumpyansa parin silang matatapos ang mga proyekto bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ayon kay Villar pagkatapos ng COVID-19 crisis ay i-fast track nila ang mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build program.


Maglalabas din aniya sila ng guidelines para sa mga manggagawa para maituloy ang mga naantalang proyekto na hindi isinasa alang alang ang kanilang kalusugan.

Giit pa ni Villar malaki ang economic impact ng covid 19 sa bansa kung kaya’t kailangan nilang magdoble kayod upang makabangong muli ang ating ekonomiya.

Facebook Comments