Manila, Philippines – Lusot na sa House Committee on Population and Family Relations ang panukala para sa pagbibigay proteksyon sa mga senior citizens sa bansa.
Sa ilalim ng Anti-elderly Abuse Act, layon nitong magpataw ng mabigat na parusa sa anumang uri ng pag-abuso sa nakatatanda.
Ituturing na aggravating circumstance ang anumang pangaabuso sa mga senior citizens sa ilalim ng Revised Penal Code.
Mahaharap sa parusang pagkakakulong at isang daang libo hanggang taltong daang libong pisong multa sa mga lalabag dito.
Samantala, kasabay ding inaprubahan ng komite ang dagdag na benepisyo sa mga senior citizens.
Kapag naging ganap na batas, itataas sa isang libong piso kada buwan ang pensiyon ng mga nakatatanda mula sa kasalukuyang limang daang piso.