Manila, Philippines – Isinusulong ni Buhay PL Representative Lito Atienza na magkaroon na rin ng panukala na kontra endo para sa mga casual employees ng gobyerno.
Ang panawagan ng kongresista ay bunsod ng pagkaka-apruba ng Kamara sa Security of Tenure Bill na tugon sa endo sa pribadong sektor.
Ayon kay Atienza, kung casual employees ang pag-uusapan ay napakarami nito sa pamahalaan.
Sinabi pa ng kongresista na hindi lamang sa private sector natatapos ang problema sa endo kundi dapat ay sakop rin ang mga casual employees ng batas ng security of tenu.
Marami pa nga aniya sa mga ito ang inabot na ng dekada sa pagseserbisyo sa gobyerno at inabot na rin ng pagreretiro pero casual pa din.
Nakakuha na ng suporta si Atienza sa mga kapwa mambabatas na sunod nilang itutulak sa Kamara ang kontra endo sa gobyerno at inaasahan niyang maipapasa rin ito ng Kongreso.
KONTRA ENDO | Panukala para tapusin na rin ang pagkakaroon ng mga casual employees sa gobyerno, iminungkahi
Facebook Comments