KONTRA KAPLASTIKAN SA BALUNGAO, KASADO NA SA SETYEMBRE

Magsisimula nang ipatupad sa buong bayan ng Balungao ang ‘Kontra Kaplastikan’ ordinance o ang pagbabawal sa paggamit ng plastic sa Setyembre 1.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mayroon nang karampatang market bags ang ipinasakamay na sa mga barangay council upang ibigay sa mga residente bilang kasangkapan sa ordinansa.

Sa susunod na buwan, hindi na papahintulutang gumamit ng plastic ang lahat ng establisyemento partikular sa pamilihan.

Hinihikayat pa rin ng tanggapan ang pagdadala ng eco bag sa pamimili sa layuning makamit ang mas luntiang kapaligiran malayo sa polusyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments