Mas pinaigting ng Dagupan PNP ang kanilang kampanya nito kontra kriminalidad sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan nito sa city government, iba pang ahensya ng gobyerno at mamamayan. Sa katunayan ay nagkakaroon ng regular na oplan sita sa mga motorista sa iba’t ibang lugar ng lungsod at nariyan din ang simultaneous exercises ng mga pulisya para sa anti-criminality.
Bukod sa mga ito ay mahigpit din ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa bawat barangay ng lungsod sa pamamagitan ng programang Ugnayan sa Barangay para sa pagpapatupad ng City Ordinances na nakapalood sa Artilulo 21 na sumisentro sa curfew hours, crime prevention, BPATs duties and responsibilities, at peace and order situation. Sa katunayan ay madalas ang pag-ikot ng mga kapulisan ng lungsod sa bawat barangay lalo na sa mga island barangays madalang maabot ng kanilang patrol.
Ayon sa pamunuan ng Dagupan PNP ay sinsero nilang gagampanan ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang kapayapaan sa lungsod at mailayo sa kapahamakan lalo na ang mga kabataan. Nag-paalala din ang PNP Dagupan na makipagtulungan ang bawat mamayan para sa katiwasayan bounty lungsod at wag mag-atubiling hingin ang kanilang tulong kung kinakailangan.
Asan pa ang mas mahigpit na seguridad sa lungsod sa mga darating na araw dahil narin sa papalapit na pagdiriwang ng Bangus Festival 2018 at Pistay Dayat ng lungsod.
Photos credited to Dagupan Pulis Facebook