KONTRA PAGGIGIPIT | Senator De Lima, nanawagan ng suporta para sa Ombudsman

Manila, Philippines – Umapela si Senator Leila De Lima sa taong-bayan na ipagtanggol ang Ombudsman laban sa kawalan ng respeto at panggigipit ng Malakanyang.

Diin ni De Lima, tama ang desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi huwag ipatupad ang pagsuspinde ng palasyo kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang.

Ayon kay De Lima, dapat lang na ipaglaban ni Ombudsman Morales ang independence ng kanyang tanggapan at kanyang mga deputies laban sa Malacañang.


Diin ni De Lima, dapat sundin ng Pangulo kung ano ang itinatakda ng ating batas at konsitutusyon sa halip na piliting saklawin ng kapangyarihan nito ang mga Constitutional o Independent Bodies katulad ng Ombudsman.

Facebook Comments