KONTRA PARTY DRUGS | Mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group, ipapakalat sa mga tourist destination

Manila, Philippines – Siniguro ng Pamunuan ng PNP Drug Enforcement Group na
hindi makakaubra ang mga sindikato ng droga para makapagbenta ng iligal na
droga parikular ang party drugs sa mga tourist destination.

Ito ay sa harap na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga turista simula Holy
week hanggang buong panahon ng summer season sa mga malalaki at kilalang
mga pasyalan sa bansa.

Ayon kay PNP DEG Chief, Police Chief Supt Albert Ferro, ayaw nilang
mabiktima ang sinuman lalo na ang mga kabataan ng mga sindikato ng droga
kaya magpapakalat sila ng mga tauhan sa mga beaches.


Aniya, malimit na nabibiktima ng party drugs ay mga kabataan katulad aniya
sa nangyari sa SM MOA kung saan limang kabataan ang nasawi.

Sa ngayon aniya may kasalukuyang law enforcement activities ang kanilang
hanay upang ma-locate ang mga nagbebenta ng iligal na droga sa mga kabataan
maging sa mga foreigners sa mga tourist destination.

Facebook Comments