Kontra SONA ng minorya, puro papuri sa administrasyon

Manila, Philippines – Kabaligtaran sa mga naunang kontra-SONA ng minorya sa Kamara na talagang pagiging kritiko ang inilalahad pagkatapos ng SONA ng Pangulo, puro pag-sangayon ang mga narinig sa oposisyon.

Taliwas sa nakagawiang tradisyon, inamin ni House Minority Leader Danilo Suarez na hindi talaga Kontra SONA ang kanyang binitawan sa pangulo.

Giit ni Suarez, hindi niya makontra ang isang Presidente na may 82% na trust rating at 92% awareness.


Sa katunayan, sang-ayon din ang oposisyon sa kampanya laban sa droga, laban sa korupsiyon gayundin ang laban sa terorismo ng pamahalaan.

Samantala, ang isang opposition group sa Kamara na Magnificent 7 ang siyang nag-deliver ng tradisyon na KONTRA SONA.

Iginiit dito ni Albany Rep. Excel Lagman na ang Build Build Build policy ng Duterte administration ay inaasahan niyang papalit sa Kill Kill Kill mantra ng pangulo.

Nangangamba din si Lagman na sa takbo ng pamumuno ng Pangulo ay mahaharap pa sa maraming krisis ang bansa bago pa man bumuti ang sitwasyon ng mga Pinoy.

Facebook Comments