Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang magkaroon ng matibay na hakbang ang mga ASEAN leaders ngayon sa India para labanan ang terorismo sa rehiyon.
Ito ang magiging dahilan ni Pangulong Duterte para pumunta sa Australia at dumalo sa Security Summit ng ASEAN sa Sydney sa darating na Marso.
Paliwanag ng Pangulo, hindi siya papayag na puro pag-uusap ang mangyari at isusulong niya ang paggawa ng mga matitibay na hakbang para labanan ang terorismo.
Saka lang aniya siya dadalo sa gaganaping Summit sa Marso kung mayroong mabubuong hakbang ngayon sa India.
Sinabi ni Pangulong Duterte na kinukulit siya ni Australian Prime Minister Malcom Turnbul na pumunta sa ASEAN-Australia Special Summit kung saan sinabi nito na mahalaga na magkaroon ng matatag na seguridad sa ASEAN Region dahil ito ang pangatlo sa pinakamalaking trading partner ng Australia sa buong mundo.