KONTRA TERORISMO | US, tutulong sa kampanya ng Bureau of Immigration laban sa terorismo

Manila, Philippines – Sasanayin ng Estados Unidos ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Pilipinas sa kampanya kontra terorismo.

Ayon sa BI, isa ito sa mga ipinangako ni US Department of Homeland Security Undersecretary for Intelligence and Analysis David Glawe sa kanyang pakikipagpulong kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Immigration Commissioner Jaime Morente.

Kasama rin sa napag-usapan sa pagpupulong ang pagpapalitan ng intelligence information kaugnay sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga hinihinalang international terrorist.


Magpapalitan din ang dalawang bansa ng mga database ng mga blacklisted at watchlisted terrorists.

Partikular na sasanayin ng Amerika ang mga kawani ng BI sa Biometric Screening, Fraudulent Document Training at internet o social media monitoring.

Facebook Comments